Posts tagged iza calzado.

Girl Crush.

Hi guys, May personal fact akong isshare about me.

Alam nyo bang meron akong Girl Crush normal naman sa babae na magkaroon ng Girl Crush. Pero hindi ibig sabihin nun kasama ako sa third sex. Nyahahaha -____- Di ah. No way, highway.

  • Maja Salvador - Isa sa mga girl crush ko si Maja, Simula nung napanood ko sya sa ASAP noon sa sumayaw, sobrang tagal na nun hindi ko na matandaan basta gusto-gusto ko kasi sya sumayaw tsaka amaze na amaze ako sa kanya pag umaa-acting sya. Tapos ang ganda ganda pa nya. Yun lang.
  • Iza Calzado - Mygad. Isa na ata to sa mga gustong-gusto kong mukha sa Showbiz Industry. Ang unique kasi ng beauty nya, simula pa noong napanood ko sya sa Encantadia mga 8 years ago (tapos hanggang ngayon pinapanood ko sa Fox Filipino) Naging crush ko sya doon sa Character nya na si Amihan ang diwata ng hangin. Favorite color ko pa yung gamit nya doon blue color of the air. Kaya super naging crush ko talaga sya.
  • Toni Gonzaga - Ito ang isa sa mga ina-admire ko ng bongga. Napaka talented nya kasi, singing, dancing, hosting, and acting. The best talaga sya. AS IN. Super ina-admire ko sya I think simula nung napanood ko sya sa drama na Crazy for You nung year 2006 ata yun. Di ko na sure. :P Basta naging crush ko na sya doon.
  • Ko Hyun Jung - Korean Actress to. :p Di siguro di kayo familiar pero sobrang nagagandahan ako sa kanya simula nung napanood ko sya sa Foxy Lady. Aliw na aliw ako sa character nya kaya simula noon lagi ko ng pinapanood lahat ng kdramas nya. 
  • Dawn Zulueta - Ito ang pinaka ULTIMATE girl crush ko. I swear. Ang ganda ganda kasi nya sa lahat ng girl crushes ko sya ang hinding hindi ko ipagpapalit. Bakit ko ba sya naging naging gusto? Eh kasi nung napanood ko din sya sa Encantadia bilang Inang Reyna. Ang super ganda nya. Waha. Mygad. Tsaka nanonood din ako ng mga Old movies nya sa Cinema One before. Diba!! Super crush ko sya at kahit na medyo may age na sya di pa din nagbabago yung ganda nya actually lalo pa syang gumanda. Gusto gusto ko pa tuloy lalo sya bilang si Emily/Emilia Guidotti sa Walang Hanggan. :p

Yun lang, Sila ang mga girl crush ko. Dami diba?! Yan ha, It’s a random personal fact about me. =)

>